MALILIMUTIN

Malilimutin

Malilimot na na din ba ako?

Tulad ng mga bagay na naiiwan mo

Gaya ng isang gabi

Gaya ng kahapon

Iniwan sa isang tabi

Ala-alang itatapon

 

Oh malilimutin

Malilimot mo na din ba sila?

Mga kaibigan kong naging kaibigan mo na

At maglalaho ka na ba?

Sa mga usapan na

Punong-puno ng mga at tawa

 

 

Oh malilimutin

Malilimot mo ba rin

Mga sinabi mo saakin

Mga pangarap para sa’tin

 

Oh malilimutin

Malilimot mo ba rin

Ang nakaraang damdamin

Pag-ibig mo saakin

“Malilimutin” is a song about someone scared of being forgotten one day.   Someone who is so afraid of being ignored or replaced.