Simula Ngayon

Simula ngayon, pipilitin kong
Gumising, sa mundong wala sa bukas mo
Simula ngayon, pipiliin kong
Mamatay, ang damdaming
Niyakap, ilang taon?

Simula ngayon
Simula ngayon
Simula ngayon
Ako’y magsisimula muli, ngayon

At gaano man kabagal ay bubuhaying muli
Ang pagkatao kong nawala sa ngalan ng dating pag-ibig
At alam mo balang araw ako’y lilipad muli
Ng walang sakit, ng walang pait, ng dating pag ibig

Simula ngayon
Simula ngayon
Simula ngayon
Ako’y magsisi

Ako’y magsisimula muli, ngayon
Ako’y magsisimula muli, ngayon
Ako’y magsisimula muli, ngayon
Ako’y magsisi

At ulit-ulit lang ang kwento
Bagong buhay, paano?
Gustong mabuhay, gustong mamatay
Gustong mabuhay, gustong mamatay

“Simula Ngayon” is a song about life after love. This track represents a new milestone in our musical journey, as it features our most emotionally charged and dramatic instrumentation to date.

Collaborating with the immensely talented musician and producer Nick Lazaro, our aim for “Simula Ngayon” is to create a musical masterpiece that will evoke the raw emotions about finding a resolution in the aftermath of lost love.